I want a soft kind of love. A best friends kind of love. A “good morning baby, I’ll make coffee and meet you in the shower” kind of love. I want lazy Sundays spent in bed and groggy Mondays getting ready for work side by side. I want the kind of love that makes you question if you ever felt love before. I want slow and steady and I want jumping headfirst into anything as long as we’re together. The kind of love that feels like home and like a great adventure. I want that love.
Kung may karapatan lang ako, sisikapin kong humanap lagi ng oras para sa’yo. Kapag nalilito ka sa isang bagay, o kung may mabigat kang nararamdaman, gusto ko ‘andun ako. Hindi ko man masolusyunan ang mga problemang dinadala mo, gusto ko ‘andun ako para samahan ka. Para may balikat kang maiyakan, mga kamay na mahawakan, at likod na masandalan. Gusto ko, ‘andun ako para punasan ang mga luha mo, at para palitan ng ngiti ang lungkot sa mga labi mo.
Pagkukwentuhin kita ng maraming bagay tungkol sa sarili mo. Mga bagay tungkol sa Papa mo, sa Mama mo, mga kapatid mo. Pati na rin mga bagay na gusto at ayaw mo. Gusto ko kasi, alam ko ang mga bagay na maaaring makapagpasaya sa’yo, ganon na rin ang mga bagay na makakapagpalungkot sa’yo, para maiwasan ko ang mga ito. Gusto kong malaman mo na interesado ako sa mga detalyeng ‘yan ng buhay mo.
Antukin man ako, rereplyan pa rin kita kahit makatulog ako na hawak ang cellphone ko. Tutugtugan kita ng gitara kahit matadtad ng kalyo ang mga daliri ko. Kakantahan kita kahit sintunado ang boses ko. At patatawanin kita maging corny man ako. Gusto kong malaman mo na ginagawa ko ang mga ito, hindi dahil obligado ako, kundi dahil gusto ko. Dahil mahal kita, at gusto kong maging masaya ka sa tabi ko.
Ipapakila kita sa mga kaibigan ko, lalong-lalo na sa pamilya ko. Totoong hindi lang sa’yo umiikot ang mundo ko, pero isa ka sa mga pinakamahalagang parte nito. Sa dami kasi ng meron ako sa buhay ko, isa ka sa mga pinakainiingat-ingatan ko. Ipagmamalaki ko na ang isang simpleng lalakeng katulad ko ay minahal ng isang espesyal na babaeng katulad mo. Gusto kong malaman mo na kuntento na ako at hindi ko gugustuhing masira ang tiwalang ibinigay mo. Maliit na bagay man ito para sa iba, alam kong malaking bagay ito para sa’yo.
Hinding-hindi kita ikukumpara sa ibang babae. Oo, alam kong marami pang mas higit sa’yo, pero ikaw ang dahilan kung bakit masaya ako. Kahit na madaldal ka, wala akong sawang makikinig sa’yo. At sa mga panahon na ayaw mong magsalita, magiging pasensyoso ako.
Wala akong babaguhin sa’yo. Hindi ang itsura mo, at lalong hindi ang timbang mo. Sasamahan kitang manood ng mga romantic comedy na gusto mo. Magagalit ako ‘pag kumain ka ng maraming chocolate, hindi dahil sa tataba ka, kundi dahil baka magka-Diabetes ka. Siguradong magkakaroon ng pagkakataon na may mga tampuhan o away tayo, pero magkasama nating aayusin ang mga ‘yon.
Gusto ko sanang gawin ang mga ito kung may karapatan lang ako. Gusto ko sanang gawin ang mga ito kung ako ang boyfriend mo.